Pangarap Nalang

 Para bang naliligaw

Para bang nagtatanong
Ang puso kong
Ikaw lamang ang itinitibok

Sana ay malaman mo
Ako'y naririto
Ngunit bakit tila
Hangin lamang sa paligid mo
Kaya

Ipipikit na lang ang mga mata
Hindi na aasang balang araw ay mamahalin
Hihiling na lang ako sa mga bituin
Na kahit isang saglit man lamang ay iyong mapansin

Ako ay naliligaw 
Ako ay nagtatanong
Sa iyong puso 
Kung may lugar ba ako

Pinapangarap 
Na sana'y mahalin mo rin
Ngunit hanggang pangarap
Na lang

Ipipikit na lang ang mga mata
Hindi na aasang balang araw ay mamahalin
Hihiling na lang ako sa mga bituin
Na kahit isang saglit man lamang ay iyong mapansin

Naririnig mo ba 
Ang sinisigaw ng puso
Nais ko lamang ay iyong madama
Ang pag-ibig sa iyo